Nalaman kong bawal pala ang mga artikulo at istoryang hindi isinulat sa wikang Ingles sa PPP, Entrecard at Social Spark… Ito ay ayon na rin sa isa sa mga kaibigan ko sa magsusulat ng blogs na si Gem.
Kaya minarapat kong dito ko na ilalathala ang lahat ng mga nais kong sabihin at ipahiwatig sa inyo, mga kapwa ko Bisaya o Pilipino…
Tutal naman, ang blog na ito ay isang pansariling blog lamang at wala naman akong planong ipasa ito sa anumang paid post service.
Kung kaya, dito malaya ako… Malaya akong isiwalat ang katiwaliang nakikita ko sa ting gobyerno, malaya akong ibahagi sa inyo ang mga napapansin ko sa ating kapaligiran….
at sa kung anu-ano pang mga bagay na nanaisin kong ipagtapat sa buong mundo.
Halina kayo, samahan ninyo ako sa aking paglalakbay…
I pray because
I pray because
I need to, I have to, I love to….